Mga Datos Tungkol sa Martial Law

I-DOWNLOAD ANG SPREADSHEET DITO.

May mga nagsasabi na kahit totoo nga na maraming pangaabusong naganap noong panahon ng Martial Law, masagana naman ang buhay para sa mga taong hindi linabanan ang gobyerno. Mayroon pangang mga magsasabi na ang panahon daw ni Marcos ay Golden Age ng Pilipinas dahil daw sa pagunlad ng imprastraktura at ang tiger economy.

Sa exhibit na ito, gusto naming suriin ang datos mula sa 1960s hanggang sa 1980s para malaman kung totoo nga ang mga pahayag na ito. Walang kinikilingan ang mga numero. At kahit ano pa man ang iyong paniniwalang politikal, hindi maipagkakait na importante tignan ang datos at mga numero para makita ang totoong kalagayanng ating ekonomiya as ilalim ni Marcos at pagkatapos nito.

 

KARALITAAN SA PILIIPINAS

Ang pagiba ng poverty level pagkatapos mamuno ni Marcos ay ang unang tagapaghiwatig ng epekto ng kanyang administrasyon sa ating ekonomiya. Ipinapakita ng sumusunod na graph ang porsyento ng mga mahihirap na pamilya sa Pilipinas. Nakakumpol ang mga datos na ito ayon sa mga rehiyon ng bansa, mula 1965 (ang unang taon ni Marcos bilang Pangulo), 1971 (bago ideklara ang Martial Law), 1975 (sa kalagitnaan ng Martial Law) at 1985 (bago magsimula ang EDSA Revolution).

 

Click the image to zoom in

Makikita na lumala ang karalitaan habang tumagal ang administrasyon ni Marcos. Bago mamuno si Marcos, 4 sa bawat 10 pamilya lamang ang mahirap. Sa katapusan ng kanyang administrasyon, 6 sa bawat 10 pamilya na ang mahirap.

Ipinapakita din ng mga graph na ito na ang paglala ng karalitaan ay nangyari sa halos lahat ng rehiyon ng bansa. May mga rehiyon kung saan umabot ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa 7 sa bawat 10. Dalawa lamang ang rehiyon kung saan nabawasan ng konti ang bilang ng mga mahihirap na pamilya: ang rehiyon ng Ilocos at Cagayan Valley.

 

SUWELDO NG MGA MANGGAGAWA

Isang kaugnay na indikator ng karalitaan ay ang pangaraw-araw na sahod ng mga manggagawa. Ang “daily wage” ay ang kinikita ng isang tao araw-araw. Ang “real wage” ay ang kita nila na inadjust ayon sa inflation para maging mas accurate ang pagkumpara ng mga numerong ito sa halaga ng piso sa kinasalukuyan. Sa pamamagitan ng pagkukumpara ng sahod ng mga manggagawa bago nagsimula at sa kalagitnaan ng panahon ni Marcos, mas maiintindihan natin ang estado ng ekonomiya at kung paano ito nakaapekto sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.

Itinatala ng sumusunod na graph ang real wages ng mga manggagawang Pilipino sa sektor ng agrikultura noong 1962 hanggang 1986.

 

 

Nakikita na ang daily wage ng mga Pilipino sa sektor ng agrikultura ay bumaba ng 30%. Ang isang magsasaka na kumikita ng Php 42 kada araw noong 1972 ay kikita lamang ng Php 30 kada araw noong 1986. Bumababa pa sa kalahati ng kanilang kita bago namuno si Marcos ang kita ng mga magsasaka noong 1974, ang taon kung saan idineklara ang Batas Militar.

Sa kabilang dako naman, itiinatala ng sumusunod na graph ang kita ng mga skilled at unskilled workers sa sa siyudad sa pre-Marcos era hanggang sa EDSA era. Ang mga skilled workers ay mga manggagawa na may espesyal na kasanayan, karaniwang mga manggagawa na nakapagtapos ng kolehiyo o di kaya sa mga technical na paaralan. Ang mga unskilled workers naman ay mga manggagawa na hindi nakapagtapos.

 

 

PRESYO NG MGA BILIHIN

Isa pang paraan para suriin ang sinasabing Golden Age ay ang presyo ng mga pangaraw-araw na bilihin. Itinatala ng sumusunod na graph ang pagbago ng consumer price index (CPI) at ang pagbago ng presyo ng pagkain at non-food items magmula 1962 hanggang 1985. Sinusukat ng CPI ang presyo ng mga bilihin na madalas na binibili ng mga konsumer.

 

 

Ipinapakita ng graph ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong panahon ni Marcos. Sa huling dekada ng Martial Law, triple ang linaki ng presyo ng mga basic commodities. Ang humahalaga hg Php 100 noong 1976 ay naging halos Php 400 na noong 1986.

 

MASSIVE DEFORESTATION

Hindi lang ekonomiya ang makakapagsabi as atin kung talaga ngang umunlad tayo noong panahon ni Marcos. Dapat ding tignan ang epekto ng panahong ito sa ating mga natural resources at sa ating kapaligiran. Itinatala sa sumusunod na graph ang epekto ng mga polisiya ni Marcos sa ating forest cover sa loob ng 20 taon.

 

 

Sinasabi na mahigit sa 90% ng 18.7 na ektarya ng uplands sa bansa, kasama na ang 11 million na ektarya ng timberland, ay pagmamayari ng publiko. Sa totoo, bababa pa sa 200 na tao ang may hawak ng malaking porsyento ng kagubatan ng bansa.

Para yumaman, nag-export ng timber si Marcos at ang kanyang mga alagad na siyang nagdulot ng pagliit ng ating forest cover. Ito ay nagdudulot ng mga pagbaha, pagguho ng lupa, at global warming.

 

INTERNATIONAL DEBT

Suriin natin ang datos tungkol sa international debt ng Pilipinas na magsasabi sa atin kung magkano ang ating utang sa ibang bansa.

 

 

Ayon sa graph lumaki ang ating external debt magmula $0.36 billion noong 1961 hanggang sa naging $28.8 billion ito noong 1986.

Maaaring iugnay ang paglobo ng ating utang sa pagdami ng imprastraktura sa bansa na siyang iniyayabang bilang economic growth noong panahon ni Marcos. Pero mula sa paglaki ng ating utang nanggagaling ang mas maraming paghihirap na kailangan pang tiisin ng mga susunod na henerasyon.

 

KONKLUSYON

Kung titignan natin ang pagtaas ng bilang ng mga maralita, ang pagbaba ng sahod ng mga manggagawa, at ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, makikita natin ang buhay ng mga ordinaryong Pilipino noong Martial Law. Sa pagbaba ng sahod at pagmahal ng presyo ng mga bilihin, makikitang humirap ang buhay ng mga Pilipino noong sinasabing Golden Age ng Martial Law.

Mas lumalala ang kuwento kapag ipagsama natin ang epekto ng administrasyon ni Marcos sa kalikasan ng bansa at sa ating economic standing. Patuloy nating nararamdaman ang mga epekto ng massive deforestation at paglaki ng ating international debt.

So totoo nga ba na Golden nga ang panahon ni Marcos? Maaring iba-iba ang kuwento ng mga tao ngunit isa lang ang kuwento ng datos.


Mga Sanggunian

[1] Boyce, J. K. (1993). The political economy of growth and impoverishment in the Marcos era. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

[2] Punongbayan, JC and Mandrilla, Kevin. “Marcos years marked ‘golden age’ of PH economy? Look at the data” in Rappler https://www.rappler.com/views/imho/124682-marcos-economy-golden-age-philippines

 


RELATED ARTICLES


The Heroes Who Fought Martial Law: Liliosa Hilao
At the age of 23, a student and a writer was the first reported case of a political prisoner’s death under Martial Law.
From Senator to Prisoner: The Story of Ninoy Aquino
We look at the life of Ninoy Aquino and how his tale came to inspire many to challenge the dictatorial rule of the Ma...
Quiz: How well do you know Marcos and Martial Law?
Test your knowledge on the Marcoses and Martial Law by identifying which of the statements are true!